Showing posts with label balang araw. Show all posts
Showing posts with label balang araw. Show all posts

Tuesday, February 10, 2015

Balang Araw (Poem not mine but by a friend)

This poem is penned by one of my disciples. They send me random messages and I enjoy reading them. This one is very 'Love month' inspired! :D <3

Makulimlim na panahon,
Huni ng mga ibon.
Sayaw ng mga dahon,
Sa aki'y umaaliw sa ngayon.

Sa kawalan nakatunganga,
Sa mga ulap nakasilip mapanglaw na mga mata.
Sa hindi malamang kadahilanan,
Biglang mukha mo ang sa hangin naipinta.

Striktong mga mata,
na sa aki'y napapatahimik sa tuwina.
Mapupulang mga labi
na sa aki'y napapataranta
kapag naguhitan ng ngiti.

Hindi pa man panahon
Puso ko'y walang pangamba,
Alam kong my plano si Ama,
Kung tayo talaga BALANG ARAW
makakapiling ka.

#BalangAraw
#1Cor.2:9