Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Thursday, October 27, 2016

Pagkaun sa Kalag na Gigutom

Here is my Bisaya Poetry.

Walay lami ang pagkaun nimo kung walay kan-on,
Nganong dili man ing-ana ang sa imong Espiritu intawon?

Dapat murag Pamahaw, Paniudto ug Panihapun ang pulong sa Ginoo,
Ayaw gyud daginuton!

Kay basig tambok ug dako imong lawas,
Gamay ug niwang man diay sa sulod!

Hala pagkaun na sa Kan-on na Iyahang Pulong,
Ayaw Hulat na imong lawas buhi ug kusgan,
Pero imong kalag diay namatay na kay nagut-man.

English Translation:

Food is tasteless and not satisfying without Rice,
Why isn't it like that with our Spiritual Life?

It should be like Breakfast, Lunch and Dinner with the Word of God,
Don't make it thrifty!

For you might be fat and big in body,
But small and petite in the inside no one can see!

Come now eat the rice of His Word,
Don't wait for your body be alive and strong,
But your body has been dead with hunger all along.

Seen and posted: https://angelicamarasigan89.blogspot.com/2016/05/pagkaun-sa-kalag-na-gigutom.html

Tula Para sa Nangungulila

Missing someone(s) right now. So I'll write right now.

Di mo man ako pansinin,
Ibaliwala ang pagsuyo at pagtingin,
Basta huwag mo laging kalimutan,
Ikaw ay nasa aking mga panalangin.

Di kita tatantanan o bibitawan,

Makita ko lang ang inaasam na pagbabago.
Mawala na ang inyong lumang pagkatao,
At maghari ang Buhay ni Kristo!

Ngayong araw, ikaw ay nasa aking mga dasal,

Alam mo man o Hindi,
Ako'y nananabik para sa iyo.
Hanggang sa makita kang muli.

Sa aking harap at sa iyong tabi.


Seen and posted in: https://angelicamarasigan89.blogspot.com/2016/05/tula-sa-nangungulila.html

Wednesday, October 26, 2016

Ngiti: Sa Hangin

Credits: collab with Pluma't Papel
BTW: wrote this with Jesus in mind. I'll just make it clear. Its raining. I love the rain. The wind. Like love. Esp Gods love. Like a storm. Like the wind. To be looked upon with Love, to be known. By Him alone. But poetry can be subjective. Think what u want.


Nung una mong nasilayan
Ang aking mga mata
Ikaw ay nagulat at namangha.

Dahil di mo akalain na,
Ikaw ay tatawagin
Ng aking lihim na pagtingin.

Nang una mong nakita
Ang aking ngiti
Na para sa iyo lang ikinukubli
Ikaw ay napahinto sandali

Sinuklian mo ang aking ngiti
Na mas tumatamis sa iyong mga labi.

Nung una mong narinig
Na pangalan mo ay sambitin
Ikaw ay nahinto at napailing.

Dahil di mo akalaing
Makikilala at matatandaan
Ang bawat letra ng iyong pgkakilanlan

At unti unting lumapit
Distansya ay tinawid
Ng ating mga tingin at mga ngiti
Na tila ngdadala skin sa langit

Para kang bagyo
Inilipad na palayo
Ang mga alinlangan ko sa kahapon
At pinawi ang kirot ng ngayon

Ngunit lilipas lang ba itong pagtingin?
O madadala ito ng hangin?
Bagyong malakas ang hampas
Sa agilang lumilipad ng mataas.

Maari bang ang hangin ang magdadala
Upang sa ganitoy maipapakita
Na ang kahapon ay may kasalukuyan
At ang bukas patungong walang hanggan.

Friday, October 16, 2015

Tula na sulat ng aking disipolo

ANG TULANG ITO AY ORIHINAL NA SULAT KAMAY.

O aking atenay,
Atenay na walang kapantay.
Ako'y nagpapasalamat na tunay,
Sa Panginoon dahil ikaw ay ibinigay.

Buhay ko noo'y walang direksyon,
Dahil sa pabigla-biglang desisyon.
Ngunit ngayo'y may direksyon,
Dahil mga aral mo ay aking baon.

Ako po sana'y patawarin,
Sa mga kasalanang paulit-ulit din.
Di ko na po isa-isahin,
Dahil paubos na ang ink ng aking bolpen.

Buhay ko man ay parang maalaala mo kaya,
Di ako magigiba.
Dahil sa Dyos ako'y nagtitiwala,
Ako'y lalaban, at kayo ang aking kasama. 😘

Tuesday, February 10, 2015

Balang Araw (Poem not mine but by a friend)

This poem is penned by one of my disciples. They send me random messages and I enjoy reading them. This one is very 'Love month' inspired! :D <3

Makulimlim na panahon,
Huni ng mga ibon.
Sayaw ng mga dahon,
Sa aki'y umaaliw sa ngayon.

Sa kawalan nakatunganga,
Sa mga ulap nakasilip mapanglaw na mga mata.
Sa hindi malamang kadahilanan,
Biglang mukha mo ang sa hangin naipinta.

Striktong mga mata,
na sa aki'y napapatahimik sa tuwina.
Mapupulang mga labi
na sa aki'y napapataranta
kapag naguhitan ng ngiti.

Hindi pa man panahon
Puso ko'y walang pangamba,
Alam kong my plano si Ama,
Kung tayo talaga BALANG ARAW
makakapiling ka.

#BalangAraw
#1Cor.2:9