ANG TULANG ITO AY ORIHINAL NA SULAT KAMAY.
O aking atenay,
Atenay na walang kapantay.
Ako'y nagpapasalamat na tunay,
Sa Panginoon dahil ikaw ay ibinigay.
Buhay ko noo'y walang direksyon,
Dahil sa pabigla-biglang desisyon.
Ngunit ngayo'y may direksyon,
Dahil mga aral mo ay aking baon.
Ako po sana'y patawarin,
Sa mga kasalanang paulit-ulit din.
Di ko na po isa-isahin,
Dahil paubos na ang ink ng aking bolpen.
Buhay ko man ay parang maalaala mo kaya,
Di ako magigiba.
Dahil sa Dyos ako'y nagtitiwala,
Ako'y lalaban, at kayo ang aking kasama. 😘
No comments:
Post a Comment